Posts Tagged 'Blurbs'

Under Maintenance

Aaargh! I think my 2 year-old Nintendo DS Lite’s hinge cannot hold it any longer.  As you can see in the photo,  a huge chunk of the hinge is already missing :(. Most first generation DSLite (Polar white Lites, like mine) had got this problem going on. They start with just a hairline crack and later on it just grows and grows and grows.

Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘Under Maintenance’

Advertisements

Nilayasan

Biyernes ng gabi. Masaya akong umuwi ng aking bahay sapagkat tapos na ang aking trabaho para sa linggong iyon. Sinalubong ako ng aking lola na kasalukuyang nag-aayos ng mga upuan at lamesa sa aming bakuran. “Anak” Ika ni lola. “Bakit po?” tugon ko.

“Wala na ang iyong ina”.

Natigil ang pag-ikot ng aking mundo. Nagulantang sa mga salitang aking narinig.

“Ano po?”

“Ang iyong ina, lumisan na”

“Hindi Maari…”

Dali-dali akong pumasok sa bahay, inakyat ang kwarto ng aking mga magulang at binuksan ang kanilang aparador. Kulang. Nawawala. Kulang. Nawawala ang karamihan ng damit ng aking ina. Hindi makapaniwala, parang baliw na iling ng iling ang aking ulo.

“Kasinungalingan lang ang lahat!” ang sabi ko sa aking sarili.

Binuksan ko rin ang aparador na naglalaman ng mga maleta. Kulang. Hindi maari. Nawawala. Kulang. Nawawala ang isa sa mga maleta!

Nanlilingid na ang mga luha sa aking mga mata ngunit pilit kong pinipigilan. Unti-unti ko na ring tinanggap ang realidad: Wala na si ina. Wala na… Napasandal na lang ako sa aparador at dahan dahang naupo sa sahig habang pilit na kinukubli ang mga hikbi.

“Bakit?” Hinayaan kong dumaloy ang mga luha. “Bakit?” Nararamdan ko ang bawat patak sa aking mga braso. “Bakit?” Natikman ang ka-alatan ng bawat hinagpis mula sa aking mga mata. “Ba-kit…”

–Makalipas ang tatlong araw–

Lunes, bumalik ang aking ina. Lubos ang aking galak sapagkat siya ay nagbalik dala ang sandamakmak na pampa-lubag loob:

Ang Pampalubag loob
At ako’y nabuhay ng masaya habambuhay.
Tapos.
(Siyet! Naubos ko na ang isang supot ng sampalok.)

Ang mga totoong pangyayari:
* Biyernes, umuwi ako at nakita ko si lola na naka-feng shui mode na naman sa terrace. Inaayos niya na naman for the nth time ang mga upuan at lamesa. Tinanong ko siya kung nasaan si Mama, ang sagot niya eh nagpunta raw ng Negros kasama ang mga tita ko. Sabi ko na lang “Ah ok…” pero sa loob-loob ko: Hmp! Hindi ako sinama 😦 *sob*. Umakyat na lang ako sa aking kwarto at naglaro ng DOTA, binuhos ang lahat galit kay Lina Inverse.. LAGUNA BLADE!


BoxMaster

Tweet Tweet!

Files

Badges

Proud

Vital Stats

  • 1,958 HP