Nilayasan

Biyernes ng gabi. Masaya akong umuwi ng aking bahay sapagkat tapos na ang aking trabaho para sa linggong iyon. Sinalubong ako ng aking lola na kasalukuyang nag-aayos ng mga upuan at lamesa sa aming bakuran. “Anak” Ika ni lola. “Bakit po?” tugon ko.

“Wala na ang iyong ina”.

Natigil ang pag-ikot ng aking mundo. Nagulantang sa mga salitang aking narinig.

“Ano po?”

“Ang iyong ina, lumisan na”

“Hindi Maari…”

Dali-dali akong pumasok sa bahay, inakyat ang kwarto ng aking mga magulang at binuksan ang kanilang aparador. Kulang. Nawawala. Kulang. Nawawala ang karamihan ng damit ng aking ina. Hindi makapaniwala, parang baliw na iling ng iling ang aking ulo.

“Kasinungalingan lang ang lahat!” ang sabi ko sa aking sarili.

Binuksan ko rin ang aparador na naglalaman ng mga maleta. Kulang. Hindi maari. Nawawala. Kulang. Nawawala ang isa sa mga maleta!

Nanlilingid na ang mga luha sa aking mga mata ngunit pilit kong pinipigilan. Unti-unti ko na ring tinanggap ang realidad: Wala na si ina. Wala na… Napasandal na lang ako sa aparador at dahan dahang naupo sa sahig habang pilit na kinukubli ang mga hikbi.

“Bakit?” Hinayaan kong dumaloy ang mga luha. “Bakit?” Nararamdan ko ang bawat patak sa aking mga braso. “Bakit?” Natikman ang ka-alatan ng bawat hinagpis mula sa aking mga mata. “Ba-kit…”

–Makalipas ang tatlong araw–

Lunes, bumalik ang aking ina. Lubos ang aking galak sapagkat siya ay nagbalik dala ang sandamakmak na pampa-lubag loob:

Ang Pampalubag loob
At ako’y nabuhay ng masaya habambuhay.
Tapos.
(Siyet! Naubos ko na ang isang supot ng sampalok.)

Ang mga totoong pangyayari:
* Biyernes, umuwi ako at nakita ko si lola na naka-feng shui mode na naman sa terrace. Inaayos niya na naman for the nth time ang mga upuan at lamesa. Tinanong ko siya kung nasaan si Mama, ang sagot niya eh nagpunta raw ng Negros kasama ang mga tita ko. Sabi ko na lang “Ah ok…” pero sa loob-loob ko: Hmp! Hindi ako sinama 😦 *sob*. Umakyat na lang ako sa aking kwarto at naglaro ng DOTA, binuhos ang lahat galit kay Lina Inverse.. LAGUNA BLADE!

Advertisements

16 Responses to “Nilayasan”


  1. 1 Rowjie 24.02.2009 bandang 8:36 umaga

    naman! hahaha. akala ko kung ano na ang nangyari. hehehe…

  2. 2 janboard 24.02.2009 bandang 1:43 hapon

    Masakit ang maiwan anu. Buti di pa ako nagaayos ng gamit nun. mwahahaha!

  3. 3 azul 24.02.2009 bandang 5:59 hapon

    wow sarap yung broas gawing float…tas yung danggit sarap na alamusal..tapos yung sampalok maasim ba?kung uu penge ako kung hindi sige seo na lang..hehe

  4. 4 janboard 24.02.2009 bandang 7:17 hapon

    broas gawing float? — hindi ko pa natry yan. anong klaseng float? Coke Float? Ice cream Float? hehehe. Danggit kanina kinain ko na sila… Naawa nga ako kasi wala nang kakainin yung kapatid ko. naubos ko.

    Unfortunately matamis ang sampaloc…

  5. 5 azul 25.02.2009 bandang 10:53 umaga

    sige seo na lang yung sampaloc…hehe

    yung broas gawin mong mango float…ahahay sagwa aman kung ilalagay mo yun sa soda..hekhek

  6. 6 Aling Baby 25.02.2009 bandang 4:54 hapon

    πŸ˜† kala ko talaga parang isang eksena sa pelikula hehe.

    magaling.magaling.

    magaling ka manlilang. penge ng pampalubag loob mo jan. πŸ™‚

    pabisita.

  7. 7 sandijmartin 27.02.2009 bandang 5:08 hapon

    hehe.. akala ko kung ano ng drama πŸ™‚
    ang galin ah

    napadaan lang.. πŸ™‚

  8. 8 vanny 28.02.2009 bandang 12:27 hapon

    pahingi ng sampalok! πŸ˜€

    “Napasandal na lang ako sa aparador at dahan dahang naupo sa sahig habang pilit na kinukubli ang mga hikbi.”

    di kita maimagine sa ganto. hahaha. isang maitim na humihikbi. iww! hahahaha

  9. 9 janboard 02.03.2009 bandang 3:06 hapon

    sigi po. Gusto nyo tira-tira o danggit? πŸ˜€

  10. 10 janboard 02.03.2009 bandang 3:08 hapon

    Kung maari lang sana huwag mo namang tanggalin ang karapatan kong humikbi! At hindi ako maiitim!– Nakashades ka lang parati!

  11. 11 batopik 03.03.2009 bandang 11:06 hapon

    LOLs. yun lang pala.. buti nag nagbigay ng pampalubag. hakhak!

  12. 12 walongbote 04.03.2009 bandang 4:12 hapon

    haha. tol. naloko mo ako dun ah.. penge namang pasalubong nya oh.. hehehe..

  13. 13 jed 03.04.2009 bandang 4:40 hapon

    pa add naman po! bago pa lang po ako dito!

  14. 14 eloiski 06.04.2009 bandang 2:07 hapon

    hakhak! ayos ah! kala ko kung ano na… shawap ng sampaloc! peborit ko yan!

    apir!

  15. 15 janboard 11.04.2009 bandang 1:03 umaga

    Apir! Kaso ubos na yung shampaloc…. nyikahin na nyamin nyaka ng kapahteed koh *lunok*. Sarap!

  16. 16 Raelene 25.11.2012 bandang 9:38 hapon

    What is the best Pinoy Channel TV online? where i can watch replay tv shows and pinoy movies. Also english movies……. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




BoxMaster

Tweet Tweet!

Files

Badges

Proud

Vital Stats

  • 1,960 HP